Someday makakahanap din ako ng lalaking mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi yung lalaking pinagbabago ako para lang sa sariling kapakanan nya. Yung lalaking matatanggap yung buong pagkatao ko. Yung pahahalagahan ako, hindi yung pagmumukhain akong tanga, paaasahin, paghihintayin, babalewalain. Yung lalaking alam yung value ko. Yung hindi ako ikukumpara sa ibang babae. Yung magiging bestfriend ko at the same time boyfriend. Yung susuyuin ako kapag nagtatampo ako. Hindi yung lalaking nagtampo ka na sya pa magagalit. Yung lalaking alam kong ako lang yung mahal nya. Yung lalaking hindi ako ita-take for granted. Yung lalaking malaki RESPETO sakin. Yung lalaking isasama ako sa plano nya sa future. Yung aalagaan ako. Yung hindi lang ako shinota dahil wala syang pan display. Kapag nakita ko yun, HINDI KO NA PAKAKAWALAN PA..
|
/
Reblog
/
Read More!
|